"FILIPINO: Wika ng Saliksik"



    Dahil sa makabagong panahon karamihan na sa mga tao ngayon ay mas ginagamit na ang wikang ingles upang sila ay matawag na "in" o sabay sa uso aуon sa mga millenial. Kaakibat ng pagusbong ng bagong mga taon ay ang pagbabago ng teknolohiya at paglaganap ng makabagong pananaliksik. Tanging ingles nga lang ba ang midyum na pwedeng gamitin sa mga ganitong bagay? O pwede din namang maging wika ng saliksik ang Filipino?
     Taon mula noon, ang Filipino pa lamang ang karaniwang ginagamit ng mga tao sa bawat pakikipagtalastasan sa maging sino man. Ngunit habang patuloy na nagbabago ang teknolohiya, sumasabay ang ating utak sa pagbabagong ito. Tayo ay nadidikit sa paniniwalang ang paggamit ng wikang ingles ay isang pagsukat sa katalinuhan ng isang tao. Sa lahat ng bagay, sa ating hinuha, mas nadadagdagan ng 'class' ang ating pananalita sa tuwing ito ang ginagamit natin. Maging ang paggamit ng wikang ito ay ikinakabit natin sa katayuan ng buhay ng isang tao. Hindi maikkakaila ng kahit na sino na ang tingin nila o ang tingin natin sa mga taong bihasa sa ingles ay mga mararangya ang pamumuhay. Sa kasalukuyan, ang siyensya ay ingles din ang karaniwang ginagamit. Ang tema ng Buwan ng Wika ngayong, "Filipino: Wika ng Sakiksik", ay naglalayong ipaalala sa ating lahat na hindi lamang ang wikang ingles ang pwedeng gamitin sa makabagong paraan ng pamumuhay. Nakikita mo ba ang mga minsan pa'y nagtetrending na mga dayuhang kung magsalita ay tila nagmula pa sa kaunahang panahon ng mga pilipino? Sila ang mga patunay na hindi porke't tagalog ang gamit sa pakikipagtalastasan, tayo ay magmumukha nang mas mababa ang antas ng pinagaralan kumpara sa iba. Mabigat sa pakiramadam na isiping may ilang mga pilipinl ang ikinakahoya ang sariling wika at pilit isinasawalang bahala ang wikang sariling atin at mas yinayakap pa ang kultura ng ibang bansa. Para kasi sa kanila, ang mga pilipino ay may mas mababang antas ng pamumuhay kaysa sa mga dayuhan.

     Nakakalungkot isiping mas madami pang mga dayuhan ang mas nakakapagpahalaga sa wikang filipino.


Reference:

https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEhQo5PK1nKhuuh0b1RMKMzllUHW-gQJxQ1VoAediCSelW41djXpD7Vtu75gvMgKF_eVRQilcopek30eIh1gzBm0-ODy-OoNuEzzlx7787Q8a2abTze6I2n5g09KwpAeW87gJYID1qH7h_A/s1600/buwan-ng-wika-2018-poster.jpg

Comments

Post a Comment