ESP MONTH: "Mapanuring Paggamit ng Gadyet: Tungo sa Mapagkalingang Ugnayan sa Pamilya at Kapwa"

     Tayo ay nasa taon ng makabagong teknolohiya kung saan halos lahat ng tao ay mas may oras na sa gadyets kaysa sa sarili at kapwa. Bagamat maraming benepisyo ito ay madami ding hindi na napapahalagahan na bagay na dapat ay mas may importansya pa dito.

     Facebook, Instagram, Twitter - ilan lamang ito sa mga social media platforms na ginagamit ng mga tao para makaconnect sa media at maging updated sa lahat ng ganap. Narinig mo na ba ang nanay mo na pinapagalitan ka dahil sa sobra mong pagkatutok sa cellphone mo? Tama ang makinig sa kanila sapagkat tunay na nakakasama sa iyo ang sobrang oras sa paggamit ng gadyets. Hindi lang dahil sa maaaring masira ang iyong paningin kundi pati na rin and utak mo'y dapuan ng kung anu-anong elemento dahil sa nababasa mo online. Kaya naman ang tema ng taunang ESP Month ngayong 2018 ay, "Mapanuring Paggamit ng Gadyet: Tungo sa Mapagkalingang Ugnayan sa Pamilya at Kapwa"

     Laging tandaan na habang kumokonekta ka sa internet world ay dapat ding isipin ang iyong pamilya at kapwa na kailangan din ng oras mo - at ang paggamit ng teknolohiya ay maaari ding tulungan ka dito.

Comments